Mahigit 284,000 indibidwal, fully vaccinated vs. COVID-19 -DOH

Pumalo na sa 284,553 idibidwal sa Pilipinas ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 dalawang buwan matapos ilunsad ng bansa ang vaccination program.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 270,785 ng mga vaccine recipients ay mga health workers, 3,083 ay senior citizens, at 10,685 ay persons with comorbidities.

Habang 1,560,318 indibidwal naman ang nakatanggap na ng unang dose ng AsraZeneca o Sinovac vaccine. Sa bilang na ito, 278,183 ay mga senior citizens, 275,924 ang persons with comorbidities, at 1718 ang essential workers na nabakunahan sa Labor Day ceremony nitong weekend.

Nilinaw ng opisyal na di pa sinisimulan ng Pilipinas ang pagbabakuna sa A4 sector o essential workers at hinimok ang medical professionals, senior citizens, at persons with comorbidities na kontakin ang kanilang local governments para sa vaccination.

Dagdag pa ni Vergeire, wala pang naitalang nasawi sa bansa na konektado sa COVID-19 vaccines.

Pinaalalahanan din nya ang mga vaccine recipients na eepekto ang full protection mula sa COVID-19 dalawa hanggang tatlong linggo matapos mabakunahan ng ikalawang dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published.