Mahigit 2K trainee doctors sa South Korea, nag protesta

Nagsagawa ng walkout ang mahigit 2,000 trainee doctors sa mga pangunahing ospital sa South Korea.

Ito’y upang magprotesta laban sa plano ng gobyerno na magpapasok ng mas maraming estudyante sa mga medikal na paaralan, na nagdulot ng pangamba na maantala ang mga surgical operations at patient treatment.

Saad kasi ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa isang cabinet meeting, susi ang pagdaragdag ng mga medical schools sa pagpapabuti ng access sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa mga malalayong lugar at pagbuo ng mga makabagong teknolohiya.

Bilang protesta, kinumpirma ng Health Ministry na humigit-kumulang 6,400 sa 13,000 mga doktor at intern sa malalaking ospital ang nagbitiw sa tungkulin at humigit-kumulang 1,630 sa kanila ang umalis ng alas-11 ng gabi.

Kasunod nito, nag-utos naman si South Korea Prime Minister Han  Duck-soo ng emergency measures sa mga ospital, kabilang na ang paggamit ng telemedicine, karagdagang operasyon sa mga pampublikong ospital, at ang pagbubukas ng mga klinika ng militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *