Mahigit 3 Milyong halaga ng illegal na droga, nakumpiska ng mga awtoridad sa Drug Den sa Camarines Sur

CAMARINES SUR – Aabot sa 3.4 million ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos na salakayin ang isang Drug Den sa Sipocot, Camarines Sur sa pangunguna ng PDEA Camarines Sur katuwang ang iba pang Law Enforcement Unit.

Bandang 7:44 ng gabi nitong Marso 13, 2024 nang maganap ang operasyon sa Barangay Tara, kung saan nakabili ang pouser buyer sa halagang 500 pesos kapalit ang items, resulta sa pagkakahuli ng 4 na indibidwal kabilang ang isang menor de adad.

Kabuoang 500 grams ng suspected illegal drugs katumbas ng 3,400.000.00 pesos.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PDEA Camarines Sur Director Mark Anthony Viray na naiturn over na sa MSWDO ang menor para sa nararapat na aksyon, pero patuloy pa ang kanilang ginagawang back tracking sa lugar upang malaman bakit nagiging bagsakan ng illegal na droga.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga PNP ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala mas pinaigting naman ang operasyon PNP katuwang ang ahensya sa paghuli ng mga nasasangkot sa illegal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *