Mahigit 300 schools sa Zambales balik face-to-face classes na lahat

Balik na sa face-to-face classes ang lahat ng mga paaralan ngayon sa lalawigan ng Zambales.

Ayon kay Schools Division Asst. Supt. Michelle Mejica, ang 313 na paaralan sa lalawigan ay mayroon ng in-person classes.

Ito ay bilang tugon ng kagawaran na unti-unti ay makabalik sa dating paraan ng pag-aaral ang mga estudyante bagamat limitado.

Matatandaan na ang Zambales ay isa sa mga probinsiya sa rehiyon na naunang nakapagsimula ng face-to-face classes matapos na makasunod sa mga panuntunan ng Department of Health, Department of Education at Local Government Unit.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'ICE BREAKER TIME FROM GUARD C! ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Fill in the blank. day!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *