Mahigit 34,000 mga paaralan, handa nang mag-face to face classes

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na handa na ang nasa 34,238 na mga paaralan sa bansa na magbalik na rin sa face-to-face classes.

Ayon sa DepEd, sa nasabing bilang, nasa 33,000 na mga public school at 1,173 na private school ang handa nang bumalik sa mga paaralan.

Ipinaalala naman ng DepEd na pahihintulutan nila ang mga paaralan na mgasagawa ng face to face learning basta magkaroon ang mga ito ng clearance galing sa Department of Health, sa local government unit at maging consent mula sa mga magulang ng mga mag-aaral.

Dagdag pa dito, depende din sa bawat lokasyon ng paaralan ang magiging approach sa isasagawang face to face classes sapagkat mayroong mga lugar na high risk pa rin sa covid-19.

Sa kasalukuyan ay nasa 73.28% na ng public school ang magbabalik sa mga paaralan habang hinihikayat pa rin ang iba pang mga private school na magsagawa na ng face to face learning.

Inaasahan naman na nasa 100% ng mga paaralan sa bansa ang makakapagsagawa ng in persons classes sa susunod na school year.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *