Mahigit 3M – inaasahang magpaparehistro para sa 2025 national at local elections

Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi bababa sa tatlong milyong Pilipino ang magpaparehistro bilang mga botante sa buong bansa.

Saad ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, all systems go na sila sa pagsisimula ng voters registration sa February 12, 2024.

Magsasagawa ang lahat ng tanggapan ng Comelec ng mga aktibidad upang ipagdiwang ang National Voter’s Day at upang isulong at hikayatin ang kamalayan sa pagpaparehistro ng mga botante.

Nauna nang sinabi ng Comelec na nasa 170 malls sa buong bansa ang inaasahang makikilahok sa Register Anywhere Project nito para sa rehistrasyon ng mga botante bago ang 2025 national at local elections.

Ang pagpaparehistro ng botante ay magtatagal hanggang Setyembre 30, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *