Mahigit 400 seedlings itinanim ng mga kabataan ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Naging abala ang mga kabataan sa Sorsogon sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng tree-planting activity.

Isinagawa ang nabanggit na aktibidad sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Pilar kung saan dinaluhan ito ng may higit 100 youth volunteers.

Pinangunahan ang pagtatanim ng mga puno ng grupong International Association of Youth and Students for Peace na nagmula sa Maynila.

Bahagi ang aktibidad ng programa nitong Billion Trees Planting and Growing Project, kung saan nakapagtanim ang mga volunteers ng may 450 seedlings ng sari-saring variety ng punong-kahoy.

Ang mga youth volunteers ay binubuo ng iba’t-ibang youth organizations ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *