Mahigit 4K guro sa Bicol, dumalo sa virtual zoom orientation para sa Project 6B

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng virtual zoom orientation ang Department of Education (DEPED) Bicol sa mga volunteers titsers sa nasabing rehiyon para sa Project 6B.

Ayon kay Mark Kevin Arroco, Project Development Officer ng DEPED Bicol, mahigit 4,000 mga volunteers teachers ang interesado at dumalo sa orientation para sa implementation ng Project 6B.

Layunin ng aktibidad na tulungan ang ahensya sa implementation o reinforcement sa mga naunang learning recovery program na ngayon ay 6B o Bawat Batang Bicolano Bihasang Bumasa at Bumilang.

Dagdag pa nito, tutulungan na rin ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbasa o nakakapagbasa ngunit hindi nauunawaan ang kanilang binabasa.

Katuwang din ng tanggapan sa nasabing programa ang mga Teaching Education Institution (TEI), college institution o tertiary level na nag-ooffer ng Education courses upang tulungan ang mga nasa category struggling learners.

Sinabi pa niya, inaasahan sa mga volunteers teachers na makikipag-ugnayan ang mga ito sa mga napili nilang paaralan na tuturuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *