Mahigit 4K katao sa Taiwan, inilikas habang 15K kabahayan ang walang suplay ng kuryente dahil sa Typhoon Doksuri (Egay)

AABOT sa 4,000 mga residente sa Silangan at Katimugang bahagi ng Taiwan ang inilikas dahil sa Typhoon Doksuri o ang bagyong Egay na nanalasa rin sa Pilipinas ngayong linggo.

Ayon sa weather bureau ng nasabing bansa, ang Typhoon Doksuri na umano ang ikalawa sa pinakamalakas na bagyong daraan sa Taiwan, na nag resulta sa pagsasara ng mga negosyo at pag kansela ng pasok sa mga paaralan sa lugar.

Kanselado rin maging ang mga domestic at international flights habang umabot na sa mahigit 15,000 mga kabahayan ang walang suplay ng kuryente.

Matatandaang lima ang iniwang casualties ng Typhoon Doksuri o bagyong Egay sa Northern Luzon habang nasa mahigit 80,000 mga pamilya naman ang apektado batay sa pinakahuling datus ng NDRRMC.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *