Local News

Mahigit 50 sakong certified seeds agad na naipamahagi sa Balud, Masbate dahil sa kakaibang mensahe ng acting mayor

SORSOGON CITY – Aabot sa 29 na magsasaka  ng Brgy Casamongan, Balud, Masbate ang nabiyayaan ng 56 na sako ng certified seeds mula sa Municipal Agriculture Office, ito ay matapos na makatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sulat mula sa Acting Mayor nito na si Felimon Abelita III ang nasabing opisina.

Nakasaad sa sulat ng alkalde sa wikang English ang mga katagang “ Should you fail to follow this directive without justifiable cause, you will be required to explain in writing why no insubordination complaint will be filed against you and your staff who will not follow the directive.”

‘’No comment’’ naman ang sagot ng MAO sa nasabing mensahe ng alkalde subalit sinabi ng mga ito na kaagad naman talaga nilang ipinamamahagi ang mga binhi dahil maiinfect ng ‘molds’ ang mga ito kapag matagal na naimbak.

Ang bayan ng Balud ay isang 4th class municipality na mayroong 27 coastal barangays at limang upland barangays. Tanging pagsasaka at pangingisda ang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan dito.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago