Mahigit 500 jeepney drivers at operator lumahok sa Kilos protesta ng transport group na Manibela

Binigyang-diin ni Manibela President Mar Valbuena na malaki ang epekto ng kanilang isinagawang pangmalawakang tigil pasada ngayong araw sa pagpaparalisa ng transportasyon sa Metro Manila.

Ito ay bilang paraan nila ng pangangalampag sa tanggapan ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Malacañang dahil sa napipintong pagkapaso ng kanilang mga prangkisa sa darating na Disyembre.

Ayon kay Balbuena, nasa mahigit limang daan ang dumalo at sumuporta sa kanilang laban.

Kung saan kalahati lamang ito sa naging tantiya niya na isang libo ang makikilahok dito.

Sa kabila nito, iginiit ni Balbuena na may iilan sa kanila ang hinarang ng awtoridad kung kaya’t hindi nakapunta rito.

Maliban pa roon, nilinaw niya na lahat ng dumalo rito ay pumunta ng boluntaryo at walang pamimilit na nangyari.

Read More:

Tigil-pasada ngayong araw, walang malaking epekto sa mga commuters – DILG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *