Mahigit 500 mag-aaral ng Zambales tumanggap ng tulong pinansyal

Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales ang 502 na mga mag-aaral.

Ito ay mga estudyante na nag-aaral sa labas ng probinsya at kwalipikado bilang benipisyaryo ng programa.

Layon nitong matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan tulad na lamang pang-transportasyon.

Samantala, ang pamamahagi ay mula sa Handog Edukasyon program ng provincial government.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Zambales for the People

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *