Mahigit 500 sanctions, ipapataw ng Amerika sa Russia

Maglalabas ng 500 sanctions ang Estados Unidos laban sa Russia, sa ikalawang anibersaryo ng pagsalakay nito sa Ukraine, ayon kay Deputy U.S. Treasury Secretary Wally Adeyemo.

Sa pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa, ita-target ng US ang military industrial complex ng Russia at mga kumpanya na tumutulong sa nasabing bansa na magkaroon ng access sa mga import goods.

Kasunod lamang nito ang pagkamatay ng opposition leader na si Alexei Navalny.

Ito na ang pinakabagong pagsisikap ng Amerika laban sa Russia, mula sa libo-libong nilang natatanggap na simula pa noong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *