Mahigit 600 PDLS napalaya ng BuCor nitong buwan ng Enero

Umabot sa 632 na PDLs o Persons Deprived of Liberty ang pinalaya ng BUreau of Corrections o BuCor ngayong buwan ng Enero.

Ayon kay DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez, Pinangunahan ng mga opisyal ng DOJ at BuCor ang naging ceremonial release ng mga PDLs sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ang pagpapalaya ng mga PDL ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paluwagin ang mga kulungan at mas pagandahin ang serbisyo sa mga PDL.

Ito rin aniya ay bahagi ng pagsunod ng kagawaran sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners.

Mula nang maupo si Pangulong Marcos noong July 2022 hanggang December nitong nagdaang taon, aabot sa 9,228 PDLs na ang napalaya ng pamahalaan.

Ilan sa mga napalayang PDLs ay mga napawalang-sala, nakatapos na ng kanilang sentensiya, binigyan ng parole at pardon at ang iba’y inilagay sa ilalim ng probation

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *