Mahigit 70 olive ridley turtle pinakawalan ng Olongapo City Agriculture Office

Pinakawalan ng Olongapo City Agriculture Office ang mahigit pitumpong mga baby olive ridley turtle.

Nito lamang nakalipas na Sabado ay nasa 73 na mga pawikan ang pinakawalan sa dalampasigang sakop ng Brgy. Barretto.

Ayon kay OIC Agriculturist Francis Maniago, ang mga itlog ng pawikan ay unang inilipat sa mas ligtas na lugar atsaka hinintay itong mapisa at maging malakas.

Umaasa ang opisina na magiging mataas ang survival rate ng mga pinakawalang pawikan sa karagatan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *