Mahigit 70 pang foreign nationals na sangkot umano sa scam, nakatakdang ipa-deport ng BI

Mahigit sa 70 pang foreign nationals na sangkot umano sa scam ang nakatakdang ipa-deport sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration o BI.

Ito ay kasunod ng pagpapa deport ng BI noong Biyernes sa first batch na kinabibilangan ng 75 foreign nationals na karamihan ay Chinese nationals patungong Nanning, Guangxi, China.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, pinalayas sa bansa ang mga dyauhan matapos ang umano’y pagkakasangkot sa mga scamming activities sa pagkukunwari ng isang online gaming customer relations service provider.

Ang lahat ng deportees ay kasama na ngayon sa blacklist ng BI.

Sabi ni Tansingco, ang pag aresto sa mga foreign nationals na ito ay resulta lamang ng maigting na pagtutulungan ng BI sa Presidential Anti-Organized Crime Commission gayundin ng mga member agencies ng IACAT o Inter-Agency Council Against Trafficking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *