Mahigit 700 libro ipinagkaloob ng EDC sa Aemilianum College of Law

SORSOGON CITY – Minarkahan ng Energy Development Corp ang kanilang ‘partnership’ sa Aemilianum College of Law, sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon na mga libro.

Aabot sa 713 na Supreme Court Report Annotated at iba pang law books ang ipinagkaloob ng EDC sa Aemilianum College Inc. (ACI).

Ang pormal na turn-over ng mga libro ay ginanap sa ACI auditorium sa pangunguna nina Atty. Beth Policarpio at EDC Bacman Corporate Relations Department Head Eduardo Jimenez kung saan ang ilang mga kalahok mula sa EDC ay nakiisa sa pamamagitan ng Zoom.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Atty. Policarpio, na ang mga donasyong libro ay simula pa lamang ng partnership ng EDC at Aemilianum College.

Nagpahayag din ito ng kagalakan na kanila nang naipamahagi ang ilang mga libro mula sa Legal and Regulatory Affairs Department ng EDC, kung saan tiwala umano sila na ang nasabing mga learning materials ay pakikinabangan ng daan-daang mga Law students sa nasabing kolehiyo.

Samantala, sa kanyang acceptance message ay ipinaabot naman ni College of Law Dean Judge Rofebar Gerona ang pasasalamat at pagpapahalaga ng ACI sa kabutihang-loob ng EDC kasabay ng pangakong gagamitin nilang mabuti ang naturang mga libro.

Nabatid na ang mga libro ay nagkakahalaga ng P71, 300.00.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *