Editors Pick

Mahigit 7,000 overseas Filipinos na-repatriate ngayong taon sa ilalim ng PBBM Admin

Aabot sa mahigit 7,000 overseas Filipinos ang na-repatriate ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 7,880 overseas Filipinos naiuwi sa bansa mula January hangang November 2022 sa pangunguna ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs.

Sa accomplishment report na ipinasa sa MalacaƱang, sinabi ng DFA na 57.67 percent ng bilang na ito ay mula sa Middle East; 942 na mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mula sa Kuwait, habang 70 ay mula sa Sri Lanka.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na mas palalakasin ang koordinasyon sa pagitan ng DFA at ng bagong likhang Department of Migrant Workers (DMW) sa hangaring makapagbigay ng tulong sa mga Pinoy abroad.

Kinilala rin ni Marcos ang mahalagang kontribusyon ng mga OFW, lalo na noong panahong humina ang ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

18 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

18 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

18 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

18 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

18 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

18 hours ago