Mahigit 7K participating delegation handa na para sa pagbubukas ng Provincial Meet mamayang hapon

CAMARINES NORTE – All set na ang Camarines Norte para sa pagbubukas ng Provincial Meet mamayang hapon na gaganapin sa eco- athletic field dito sa bayan ng Daet.

Ayon kay Division Sports Coordinator Nelson Gomez nasa mahigit pitong libo lahat ang participating delegations na binubuo ng mga atleta, coaches, officiating at delegation officials.

Labing apat na District ang magtatagisan ng galing sa 28 sports events na gaganapin sa iba’t- ibang playing venue na ang karamihan ay lalaruin sa eco- athletic field.

Mayroong playing venue sa mga malapit na bayan sa Daet tulad ng Basud maging sa mga pribadong paaralan.

Magsisimula naman ang mga sports events bukas, Pebrero 22 hanggang 24.

Gagawin ang awarding ceremony sa Pebrero 24 ng hapon.

Ito ang unang pagkakataon na balik na sa normal ang Palarong Panlalawigan pagkatapos ng tatlong taon dahil sa COVID- 19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *