Mahigit 800 benepisyaryo ng 4Ps sa Camarines Norte naka graduate na sa programa

Umaabot na sa 800 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa lalawigan ng Camarines Norte ang naka graduate na sa programa.

Ayon kay Pantawid Provincial Link Claudio Villareal, ang mga ito ay ginawaran na ng Pugay Tagumpay na ginawa sa iba’t- ibang bayan.

Ginagawa ang Pugay Tagumpay upang bigyan ng parangal ang mga benepisyaryo ng 4Ps na nakitaan ng positibong pagbabago at pag unlad sa pamumuhay sa tulong ng programa.

Sa ngayon ay mayroon na umanong kaukulang intervention ang mga naka graduate sa programa at sumasailalim sa proseso kung saan tinutulungan ang mga ito sa transition ng pagiging “self- sufficient” o wala nang suporta galing sa gobyerno.

Katuwang umano dito ng ahensiya ang mga Local Government Units.

Nagkaroon na rin umano ng registration ng set 9 at 10 para naman sa mga bagong beneficiaries kapalit ng mga naka graduate sa programa.

Ilan umano sa mga ito ay nakakuha na rin ng cash card para sa pag claim ng kanilang cash grant.

Sa ngayon ay mayroong mahigit sa 33 libo ang benepisyaryo ng 4P’s sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *