Mahigit 800 indibidwal rehistrado na sa voter’s registration – COMELEC NAGA

NAGA CITY – Bukas hanggang ngayong Sabado ang Commission on Election Naga para tanggapin ang sinumang magpapa-rehistro sa isinasagawang voter’s registration na kung saan umabot na sa mahigit 800 lahat ang naitala sa pagsimula nito noong Lunes.

Hindi bababa sa 100 ang nagpaparehistro araw-araw at karamihan sa mga ito ay mga bagong botante, mga kabataan at ang iba ay mga transferee mula sa ibang bayan sa Camarines Sur.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Atty. Maico Julia Jr. COMELEC Officer ng lungsod, sinabi nitong ngayong Sabado ay mas inaasahan nila ang pagdatingan pa ng mga magpaparehistro lalo na ang mga nagta-trabaho at mga estudyante na dito na nag-aaral sa Naga.

Aniya’y tanging school ID lamang ang hinihingi nila sa mga ito, at valid ID sa iba pang mga individual na nagpapatunay ng dati nilang address para sa gagawing verification sa posibleng pagiging opisyal na nilang botante ng lungsod.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *