Local News

Mahigit 8K bagong botante, nairehistro ng Sorsogon-Comelec

Aabot na sa mahigit 8K bagong botante ang nakapagrehistro na sa lalawigan ng Sorsogon, ayon ito sa pahayag ng Provinciall Election Supervisor na si Atty Calixto Aquino.

Patuloy pa rin na hinikayat nito ang mga kwalipikadong botante na hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang nagpapatuloy pa na satellite voter’s registration sa SM City tuwing Huwebes at Biyernes na magtatagal hanggang katapusan nitong buwan lamang.

Dagdag din nito na sa mga municipal Comelec ay mayroon ding satellite voter’s registration kung saan ang kanilang personahe ay pumupunta sa ibat-ibang barangay upang magsagawa ng registration.

Binigyan linaw din ni Aquino na ang Sorsogon ay hindi kasali sa pilot testing ng Register Anywhere Program (RAP).

Aniya, tanging lalawigan ng Camarines Sur at ang mga lungsod ng Legazpi at Naga ang napasama sa naturang programa sa Bicol region.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Para-jumpers ng sundalong Pilipino at Amerikano, sumabak sa free fall exercise

Sanib-pwersa muling nagsanay ang mga Pilipinong sundalo at Amerikano sa free fall exercise Ayon kay…

15 mins ago

Rollback sa presyo ng LPG – epektibo na ngayong araw

Simula ngayong araw ay nagpatupad ang ilang mga kumpanya ng rollback sa LPG. Sa abiso…

15 mins ago

Samahan ng doktor, ospital – iimbestigahan ang ‘padulas’ scheme ng pharma firms

Sisilipin na rin ng Committee on Ethics ng iba't ibang grupo ng mga doktor at…

16 mins ago

Inagurasyon sa kauna-unahang memorial site ng EJK victims, isinagawa sa Caloocan City

Binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros na patuloy nilang paparangalan ang alaala ng bawat biktima ng…

19 mins ago

Senador, pinaghahanda ang DPWH, MMDA sa La Niña Season

Pinakikilos na ngayon pa lang ni Senate Committee on Public Works, Chairperson, Senador Bong Revilla…

20 mins ago

Maikling oras ng klase, inirekomenda ng city health

Inirekomenda ng City Health office ang mas maiksing face-to-face class ng mga estudyante upang makaiwas…

1 hour ago