Mahigit 900k halaga ng shabu, nakumpiska sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Lucena City

Timbog ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City matapos masamsaman ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit Php900,000.00.

Ang nasabing mga suspek ay kinilalang sina alyas “Chor”, 41-anyos, nadakip sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City kung saan nakumpiska sa kanya ang mahigit limang daang libong pisong (Php500,000.00) halaga ng ilegal na droga nitong Linggo, Marso 10.

Habang si alyas naman “Boris” 27-anyos, nadakip sa Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City ay nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit apat na daang libong piso (Php400,000,00) nitong Lunes, Marso 11.

Samantala, nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *