Local News

Mahigit 900k halaga ng shabu, nakumpiska sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Lucena City

Timbog ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City matapos masamsaman ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit Php900,000.00.

Ang nasabing mga suspek ay kinilalang sina alyas “Chor”, 41-anyos, nadakip sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City kung saan nakumpiska sa kanya ang mahigit limang daang libong pisong (Php500,000.00) halaga ng ilegal na droga nitong Linggo, Marso 10.

Habang si alyas naman “Boris” 27-anyos, nadakip sa Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City ay nahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit apat na daang libong piso (Php400,000,00) nitong Lunes, Marso 11.

Samantala, nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

BNFM Lucena

Recent Posts

Reymart ‘The Assasin’ Gaballo – muling sasabak sa ring kontra sa Mexicanong si Kenbun Torres!

Muling sasabak sa ring ang reigning WBO Oriental bantamweight chapion na si Reymart Gaballo. Makasasagupa…

4 mins ago

Pag-isyu ng Philippine visa sa mga Chinese nationals, mas hihigpitan na ng DFA

Mas lalong hihigpitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng visa sa mga…

8 mins ago

Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, sinampahan ng cyber liber case si Cristy Fermin

Pormal na naghain ng reklamong cyber libel ang mag-asawang si Sharon Cuneta at former Senator…

11 mins ago

Bato, nanindigang hindi magtatago hinggil sa posibleng ICC arrest warrant

Tumanggi si dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na banggitin…

16 mins ago

3, patay matapos malason sa nakaing butete sa Libon, Albay

PATAY ang tatlong indibidwal habang apat naman ang nasa hospital matapos na malason ng kinaing…

20 mins ago

COMELEC – bukas sa panukalang i-reschedule ang BSKE

Kinikilala raw ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahing pag-move ng Barangay at Sangguniang Kabataan…

23 mins ago