Mahigit dalawampung pulis sa olongapo, positibo sa covid-19

OLONGAPO-Nagpositibo sa corona virus disease ang dalawampu’t dalawang pulis sa Olongapo.

Ito ay makaraang lumabas ang resulta ng mass swabbing na ginawa ng City Police Office noong nakaraang linggo sa lahat ng mga tauhan sa lungsod.

Ayon kay Ocpo Deputy Director For Administration Plcol.Preston Bagangan,noong May 13 ay mayroong isang pulis ang nakitaan ng sintomas at nang isalang sa swab test ay nagpositibo sa covid19.

Dahil dito, lahat ng mga kasamahang pulis sa istasyon ay isinalang sa rt-pcr test at dalawa sa mga ito ang nagpositibo rin hanggang sa masundan ng iba pang kabaro.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of fruit and text that says 'ASCORBIC ACID Ascorbate) GUARD-C SHOP NOW! Lazada "Keep being Healthy you. ASCORBIC ACID (as CaA) Ascorbate) GUARD-C VIT~'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *