Mahigit kalahating milyon na mga taga Camarines Sur, nakapagparehistro na sa National ID System

NAGA CITY—Umaabot na sa mahigit kalahating milyong mga taga Camarines Sur ang matagumpay na nakapagparehistro sa National ID System.

Ito ang napagalaman ng Brigada News FM Naga sa Philippine Statistics Authority o PSA Camarines Sur.

Sa panayam kay Clemente Manaog, Provincial Statistic Officer ng PSA CamSur, sinabi nitong nasa 585,000 ang nakapagpatala na kung saan target ng nasabing ahensya na bago matapos taon ay makapagparehistro ng 1,300,000 katao.

Sa ngayon nasa 44% na ang continuing registration sa National ID System sa lalawigan habang mahigit naman sa 700,000 katao ang kailangang mairehistro.

Patuloy naman ang pagdating at pamamahagi ng National ID Card na idenedeliber ng mga Post Office sa mga bahay ng mga registrants.

Ani Manaog kung hindi pa nakukuha ang ID Card ay maaari namang pumunta sa PhilPost at dalhin ang transaction slip para sa pagclaim ng kanilang mga National ID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *