Mahigit kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa isang lalaki sa Lucena City

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Linggo, Enero 14.

Ayon sa police report, bandang alas-9:44 ng gabi ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Oland”, 37-anyos, at residente ng Brgy. Ibabang Iyam, ng nasabing lungsod.

Nasabat sa suspek ang nasa dalawampu’t limang (25) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱500,000.

Kumpiskado rin ang isang (1) pouch, isang (1) genuine 1000-peso bill at labing-isang (11) 1000-peso boodle money.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *