Mahigit kalahating milyong pisong halaga ng iligal na droga, nasabat sa Las Piñas City

Nasabat ng mga otoridad ang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa kanilang ikinasang buy bust operation sa Las Piñas City.

Target sa nasabing operasyon ang High Value Individual na si Alyas Kim, 22-anyos at ang nanay nitong si Alyas Emily, 50-anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitumput limang gramo ng hinihinalang droga.

Bukod dito narekober din sa operasyon ang buy bust money, isang cellphone, at isang weighing scale.

Reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa dalawang naarestong suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *