Mahigit P10B halaga ng droga, nakumpiska sa ilalim ng Marcos admin

Iniulat ng Malacañang na umabot sa 10.41 billion pesos na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng Marcos administration mula January hanggang December 2023.

Sa impormasyon na ibinahagi ng Presidential Communications Office o PCO, maliban sa pagkakakumpiska ng mga illegal na droga, umabot din sa 56, 495 ang bilang ng mga arrested suspects mula sa ikinasang 44,000 anti-illegal drugs operation.

Sa pamamagitan naman ng sama-samang pagsisikap ng DILG, Dangerous Drugs Board, PDEA at PNP, meron nang 27, 968 na drug cleared barangay, 23 provinces, 447 municipalities, at 43 na mga syudad, at nagtatag na rin ng kani-kanilang community-based drug rehabilitation programs o CBDRPs as of December 27, 2023.

Samantala, nasa 50 provinces, 1,160 municipalities, at 30 cities ang meron nang Anti-Drug Abuse Councils o ADACs, habang 74 ang naipatayong in-patient treatment and rehabilitation facilities.

Ang naturang tagumpay ay sa ilalim ng bagong approach ng Marcos administration upang tugunan ang problema sa illegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagtutok sa rehabilitation, reintegration, at preventive education programs lalo na sa mga kabataan youth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *