Mahigit P300K halaga ng umanoy shabu na nakasilid sa parcel, nakumpiska sa Palawan

Arestado ang isang drayber na si Junar Gonzaga, 48 anyos ng Brgy. Mandaragat, Puerto Princesa City matapos siyang mahulihan ng hinihinilang iligal na droga.

Naaresto siya ng PDEA Palawan AIU, RDEU at City Anti- Crime task force sa Malvar Street, Purok Damayan, Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City kaninang umaga.

Nakuha sa kanya ang suspected shabu (est. 50 grams) na tinatayang aabot sa Php340,000.00 ang halaga at isang kahon na may label ng isang courier company.

Sa report ng PDEA, may isang concerned individual ang nagpaabot ng impormasyon sa mga awtoridad na may sa isang parcel na umano’y naglalaman ng pinaghihinalaang shabu bago ginawa ng operatiba ang operasyon sa suspek na siyang tumanggap ng padala o ebidensya.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *