Mahigit P6 milyon para sa bonus ng mga opisyal at empleado ng LGU Basud aprubado na ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Aprubado na ng Sangguniang Bayan sa regular na sesyon kahapon, December 18, ang supplemental budget para sa pagbibigay ng bonus sa mga Municipal Official at empleado ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte.

Unanimous ang pagkaka- aproba ng Supplemental Budget No. 5 na nagkakahalaga ng P6, 120,000.00 para sa pagkakaloob ng Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive at Service Recognition Incentive (SRI) para sa Municipal Officials and employees ng naturang lokal na Pamahalaan.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang kautusang magbibigay ng P20,000 service recognition incentive at gratuity pay para sa mga manggagawa sa gobyerno  kabilang na ang mga kontraktwal.

Nagpalabas naman ng Executive Order si Mayor Adrian Davoco na nag- aadopt sa Administrative Order no 13 series of 2013 ng Office of the President na nag- aauthorize na magkaloob ng gratuity pay sa lahat naman ng job order employees ng LGU Basud kasama na ang security guards at maintenance personnel.

Sa ilalim ng AO 13 na inaprubahan ng Pangulo, bibigyan ng one-time gratuity pay na hindi hihigit sa P5,000 para sa mga Contract of Service at JO government employees na nagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan ng satisfactory service as of December 15, pati na yaong mga epektibo pa ang kontrata sa parehong petsa.

Nakasaad naman sa EO No 53 ng Alkalde na ang mga nakapagtrabaho ng tatlong buwan o higit pa pero wala pang apat na buwan ay makakatanggap ng gratuity pay na hindi lalagpas sa P4,000.

Ang mga nakapagtrabaho naman ng dalawang buwan o higit pa pero hindi aabot sa tatlong buwan ay makakatanggap ng hindi lalagpas sa P3,000 at hindi naman lalagpas sa P2,000 ang matatanggap ng mga nakapagtarabaho ng wala pang dalawang buwan.

Sabi sa EO ang pagkakaloob ng Gratuity Pay sa COS at JO workers ay marapat lamang bilang pagkilala sa kanilang pagtatrabaho sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at aktibidad ng LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *