Mahigit P660,000 halaga ng hinihinalang marijuana, nasamsam sa isinagawang joint operation sa Laguna

Arestado ang isang lalaki sa Brgy. Langgam, San Pedro City Laguna matapos makumpiskahan ng mahigit P660,000 halaga ng hinihinalang dried marijuana leaves.

Ayon sa awtoridad, ito ay naging posible matapos ang ikinasang joint anti-illegal drugs operation ng San Pedro City Police Station.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Office, Officer-in-Charge, Police Colonel Harold Depositar ang suspek na si alyas “Kim” na residente ng Muntinlupa City.

Haharap si Kim sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, dadalhin na rin sa Regional Forensic Unit (RFU) ang mga nakumpiskang ebidensya tulad ng labintatlong sachet at piraso ng mga kahon at bubble wrap para sa forensic examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *