Mahigit P7M ilalaan para sa pagpapalawak at pagpapaganda ng Pilar Port

Aabot sa P729M ang target na malikom ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon para sa pagpapalawak at pagpapaganda ng Pilar Integrated Port Terminal Exchange (PIPTX).

Kabilang sa mga pagbabagong gagawin ay ang pagrenovate sa mga terminal buildings, pagpapalawak ng docking at loading area, paglalagay ng contrainer stacking yard, cargo loading at unloading area at queuing area.

Gayundin ang paglalagay ng terminal para sa lahat ng sasakyan, mas malawak na public at pay parking area, paglalagay ng terminal holding area at iba pang commercial spaces.

Sa kabuuan, nasa P171,500,000 ang gagastusin para sa embankment o pilapil, P24,500,000 para sa seawall, P124,500,000 para sa pavement at P408,500,000 para sa mga buildings o gusali ng pantalan.

Simula nitong January hanggang September 2023, umabot sa P10.11M ang collection sa pantalan mula sa 269K na mga pasahero at 104K na mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *