Mahigit P9-million na pondo, inilaan ng D.A-Bicol para sa nagpapatuloy na “indemnification” sa mga hog raisers sa Catanduanes na naapektuhan ng ASF

BICOL—Inihayag ni Rafael Magallanes – OIC Director ng Department of Agriculture – Bicol na nasa P9,350,000 ang kabuuang pondong inilaan ng nasabing ahensiya bilang kabayaran sa mga hog raisers sa lalawigan ng Catanduanes na nakasama ang mga alagang baboy sa depopulation bunsod ng African Swine Fever.

Ayon sa opisyal, halos umabot ng 2,000 ang bilang ng mga baboy sa isla ang na depopulate mula sa 456 na mga magbababoy sa iba’t-ibat bayan at barangay sa lalawigan na pinasok ng swine virus. Kaugnay nito, magpapatuloy ang indemnification o kompensasyon ng D.A sa mga hog raisers ngayong buwan ng Hunyo kung saan makakatanggap ang mga ito ng P5,000 sa bawat alaga nilang baboy na ipinalibing ng pamahalaang panlalawigan.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay inilunsad sa islang probinsya ang Barangay Bantay ASF Program na may layuning mapalakas ang pagbabantay at pag i-inspeksiyon sa lahat ng mga ipinapasok na karneng baboy sa lalawigan upang maiwasan ang muling pagkalat ng African Swine Fever.-30-

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *