Mahigit P900K pondo ipinagkaloob sa LGU Bulan para sa proyektong Enhanced Process and Quality on Sardines Making

Kabuuang P966K ang pondong ibinigay para sa sa proyektong “Enhanced Process and Quality on Sardines Making” sa bayan ng Bulan.

Ang nasabing pondo ay mula sa Department of Science and Technology at iniabot ni DOST V Regional Director, Rommel Serrano, PSTD-Sorsogon Engr. Sandro Noguera at Ms. PFPAI  President Analyn Dominguez.

Nagpasalamat naman ang alkalde ng bayan  na si Romeo Gordola sa kanilang natanggap na halaga na aniya  ay malaking tulong para sa kanilang mga residente.

Dumalo sa aktibidad sina Municipal Administrator Atty. Moiselle Magdamit, MSWD Head Adelfa Espinocilla, PESO Head Anilin Diaz at mga focal person DSWD at WVDFI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *