Mahigit sa 20 commercial fishing vessel sa Camarines Norte naisyuhan ng lisensya sa katatapos lang na tatlong araw na joint mobile registration and licensing noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Umaabot sa dalawamput limang commercial fishing vessel sa lalawigan ng Camarines Norte ang kaagad- agad naisyuhan ng lisensya sa katatapos lang na 3- day joint mobile registration and licensing na ginawa noong nakaraang linggo.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nasa dalawampu ang “outright” nanaisyuhan ng lisensya sa bayan ng Mercedes habang sa bayan naman ng Sta Elena ay lima lang ang nakakumpleto ng mga documentary requirements.

Hihintayin pa ang mga kulang na dokumento ng mga nagpa lisensya bago mag isyu ang BFAR.

Ang mahalaga umano ay nakapagproseso na ang mga mayroong “incomplete” requirements ng mga hinihihingi naman ng Maritime Industry Authority (MARINA) kaya’t hindi na kakailangnin pa ng mga itong magtungo sa Legazpi City.

Mbabatid na nagkaroon ng one- stop shop ang mga nag- avail ng mobile registration dahil nasa isang lugar lang ang mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa licensing ng bangka tulad ng BFAR, MARINA, Philippine Coast Guard, Department of Trade and Industry at National Telecommunications Commission (NTC).

Noong unang araw, Nobyembre 23 ay ginawa ito sa BFAR Provincial Office sa bayan ng Mercedes at noong 24 at 25 ay dumayo ang mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno sa Sta Elena.

Una nang sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na hindi- taon- taon ay may ganitong aktibidad.

Gayunman nangako ang opisyal na sisikapin nilang magawa ito ng regular at kaniya umanong bubuksan ang usaping ito sa isa sa kanilang magiging pagpupulong kasama ang MARINA at iba pang ahensiya na may kinalaman sa licensing ng mga bangka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *