Mahigit sa p1milyong halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska sa Brooke’s Point, Palawan

Nasabat sa isang warehouse ang nasa 105 na kahon ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1.4M kaninang umaga sa Brgy. Saraza, Brookes Point Palawan.

Ito ay sa pangunguna ng Bureau of Internal Revenue, PNP Brooke’s Point, Philippine Coast Guard Palawan District, NAVFORWEST at CIDG Palawan.

Ang mga nakompiskang ilegal na sigarilyo ay malinaw na paglabag sa provisions of the National Internal Revenue Code of 1997 o ang pag-iwas sa pagbayad ng nakatakdang buwis sa kahit na anumang produkto.

Kinilala ang suspek na di umano’y may pag-aari sa mga illegal na sigarilyo na si Alyas Al na residente rin ng lugar na ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Samantala, ang mga naturang ilegal na kontrabando ay nasa kustodiya na ng BIR Palawan para sa maayos na disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *