Mahit 200k na bagong botante, inaasahang maidadagdag sa listahan ng COMELEC Bicol

LEGAZPI CITY – Tinatayang nasa 200,000-250,000 na mga bagong botante ang inaasahang maidaragdag sa listahan sa Bicol Region pagkatapos ng satellite registration ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Bicol.

Ayon kay COMELEC Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza, maraming barangay sa rehiyon ang nakikipag-ugnayan na magsagawa ng satellite registration dahil marami ang hindi pa rehistrahado.

Aniya, may mga botante rin na mga lumipat ng tirahan o naalis sa listahan na nag-update ng kanilang rehistro matapos na hindi makapagboto ng dalawang beses nitong nagdaang eleksyon.

Pinasasalamatan naman ni Valeza ang mga lokal na pamahalaan dahil sila na mismo umano ang nakikipag-ugnayan sa barangay o nag-iinitiate na magsagawa ng satellite registration, kung saan dinadala nila ang aktibidad sa malls upang maging komportable ang kanilang pagpaparehistro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *