Mainit na panahon hindi problema sa ilang magsasaka; La Niña, pinaghahandaan

NAGA CITY – Hindi naging problema sa ilang magsasaka sa Naga City ang matinding init ng panahon, maliban sa mabilis silang makapagpatuyo, hindi rin apektado ang produksyon ng bigas.

Sa panayam kay Tony Cano, Rice Vendor at magsasaka na din, ang talagang mas pinaghahandaan nila ngayon at pinapangambahan ay ang pagdating ng La Niña, bagamat malayo pa ito dahil siguradong magkakaroon ng pagbabago sa produksyon at presyo ng palay na posibleng tumaas na naman ang bawat kilo ng bigas sa merkado, lalo na’t nasa P48.00 hanggang P64.00 ang presyo ng bigas nila na naka-pwesto sa Naga City People’s Mall.

Dagdag pa nito, hindi rin sila basta-basta makakapataas ng presyo kahit na madami ang produksyon. Ang National Food Authority naman nag-adjust sa presyo ng palay na nasa P23.00 hanggang P27.00 bawat sako upang may mabili sila mula sa mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *