Mainit na panahon, titindi pa sa pagpasok ng El Niño – PAGASA

Nagbabala ang PAGASA na mas titindi pa ang init ng panahon sa susunod na buwan dahil pumasok na ang kasagsagan ng El Niño.

Sa forecast, maaaring pumalo sa 36.5 degrees celsius ang pinakamataas na temperatura ngayong darating na Marso.

Puspusan na rin ang paghahanda ng El Niño Task Force para matiyak na sapat ang suplay ng tubig sa bansa.

Una nang sinabi ng weather bureau na ngayong 2024 ay posibleng pinakamainit na taon lalo na’t sasabayan ng dry season ang El Niño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *