Makati LGU, ibinahagi ang kanilang mga proyekto sa first quarter ng 2024

Ibinida ng lokal na pamahalaan ng Makati ang kanilang mga proyekto para sa unang anim na buwan ng 2024.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, kabilang na rito ang pagbubukas ng Makati Life Medical Center na inaasahang magpapahusay sa serbisyong pangkalusugan sa lungsod.

Para kay Binay, ito ay nagsisilbing patunay na tapat ang pamahalaang lungsod para sa kalusugan ng Makatizens.

Layon nitong tugunan ang atensyon na pang-medikal ng mga residente sa modernong paraan.

Samantala, nakatakda ring buksan ngayong taon ang Makati Columbarium para makapabigay ng disente at mapayapang himlayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *