Makati LGU, tinawag na ‘bully’ ang aksyon ng Taguig LGU

Pansamantalang ipinasara ng Taguig City ang Makati Park and Garden dahil wala umano itong permit.

Umalma ang Makati LGU sa aksyon ng Taguig lalo na’t may naiwan na mga empleyado sa loob ng ipinasarang parke.

Batay sa abiso ng Taguig, ang pagsara ay alinsunod sa Local Government Code na nagbibigay awtoridad sa lokal na pamahalaan na i-regulate ang anumang negosyo, kalakal o aktibidad sa pamamagitan ng pag-isyu ng mayor’s permit.

Nanindigan ang Taguig na noon pa man ay ipinasara na sa publiko ang parke at ngayo’y ginagamit na lamang bilang garahe ng heavy equipment o tambakan.

Giit ng Taguig, sakop din kasi ito ng kanilang hurisdiksyon sa ilalim ng West Rembo.

Mariin namang binatikos ng pamahalaang lungsod ng Makati ang naging aksyon ng Taguig at tinawag itong ‘bully.’

Nananawagan ang Makati LGU sa mga pambansang ahensya ng Gobyerno na pumagitna sa away ng lungsod laban sa Taguig.

Pursigido ang Makati City Government na gagawin nito ang lahat para lamang ma-protektahan ang kanilang ari-arian.

Samantala, taliwas ito sa pahayag ng Taguig na sila raw ang nagmamay-ari ng naturang parke.

Makati at Taguig Police chiefs – bumisita *HEADING

Magkasabay na binisita ng Chief of Police ng Makati at Taguig ang pinag-aagawang Makati Park and Garden sa West Rembo.

Layon ng dalawa na silipin ang sitwasyon pagkatapos na pansamantalang ipinasara ng Taguig ang parke.

Sa panig ng PNP, tiniyak ng dalawa na walang nangyayaring tensyon dahil bukas ang kanilang komunikasyon upang iulat ang mga nangyayari sa kanilang nasasakupan.

Kasabay ng kanilang pag-inspeksyon ay nagpakita pa ng handshake o pakikipagkamay ang dalawa sa publiko para ipakita ang kapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *