Mala “attack on titan” na pose ng isang baby girl sa isang reception, kinagiliwan online

Kinagiliwan ng mga netizen ang isang baby girl na tila isang karakter sa Japanese manga series na Attack on Titan. Makikita kasing umeksena ang batang si “Zia” habang nagmo-moment ang kaniyang mommy at daddy sa gitna ng reception ng kanilang kasal. 

Caption sa naturang post: “Kaya magpakasal kayo habang wala pang anak para walang makulit sa gitna.”

Kaniya-kaniya rin namang entry with matching photos pa ang ilang couples sa comment section kung saan ibinahagi nila ang kaparehong karanasan ng mag-asawang sina Michael at Joanne Bulalord. 

Ngayon, umabot ng kulang-kulang 150K reactions, 5K comments, at 8K shares ang nasabing post na ibinahagi ngThe Budgetarian Bride. ### JEREMY LESNIANA 

PHOTO COURTESY: The Budgetarian Bride/Facebook Page/ Mx. Joanne Bulalord

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *