Mala-Cinderalla story na nangyari sa Baguio, trending!

Viral ang isang tula na ginawa ng Public Order and Safety Division (POSD) ng Baguio City upang mahanap ang may-ari ng isang sapatos na natagpuan sa O-shape overpass.

Ayon kay Daryll Longid, pinuno ng Baguio POSD, siya ang nag-sulat ng tula sa paraang inspirasyon ng fairytale na Cinderella bilang pampaakit sa mga mambabasa na hanapin ang may-ari ng sapatos.

Nagpakilala naman ang isang Nigerian national na si Pamela sa pulisya upang kunin ang kanyang nawawalang sapatos.

Saad ni city hall, nahanap na nila ang nawawalang “Cinderella” ng lungsod.

Umaasa si Longid na nawa’y nakapagbigay siya ng inspirasyon sa kanyang mga kasama na maging creative sa kanilang tungkuli, lalo na sa pag-angat ng turismo sa Baguio ngayong summer.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *