Malacañang, tikom ang bibig sa naging executive session ni PBBM sa Kamara at Senado

Hindi naglabas ng detalye ang Palasyo ng Malacañang hinggil sa naging pulong ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga senador at kongresista.

Nakatakda kasi kahapon ang LEDAC meeting, pero dahil sa tension ng kongreso at senado nagkaroon na lang ng magkahiwalay na executive session ang Pangulo sa dalawang kapulungan.

Ayon kay Presidential Communication Office Secretary Cheloy Garafil, lahat ng napagusapan sa executive session ay itinuturing na confidential.

Nabatid na salungat ang senado sa isinusulong na people’s initiative ng mga kongresista para sa pag amyenda ng saligang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *