Malaking dam at main canal sa Calabanga, Camarines Sur , may mga bara!

NAGA CITY –Nakabarang mga dahon, sanga ng mga kahoy at iba pang klase ng mga basura ang nakuha ng mga personahe ng Camarines Sur IMO-Tigman Hinagyanan Inarihan Irrigation System na nasa Calabanga na siyang isa sa tinuturong dahilan ng mabagal na pagdaloy ng tubig o minsan wala pa sa mga taniman at palayan sa mga sakop nitong distrito.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga na residential area ang paligid ng dam at main canal kaya hindi maiiwasan na may ganitong mga basura na nakabara sa daluyan ng tubig, ayon sa paliwanag ni NIA Public Information Officer Maria Cleofe “Ate Nikay” Baraero.

Sinabi niya na may ginagawa na ring aksyon ang mga Farmers Irrigators Association sa nabanggit ng lugar para matigil pagtatapon ng basura sa irigasyon tulad ng pakikipag-usap sa mga residenteng nakatira malapit sa lugar, bukod pa diyan ang paglalagay ng mga warning signs sa paligid ng dam at main canal.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *