Malalaki at Mabibigat na aircraft maaari nang lumapag sa pinakamalaking EDCA project sa Pampanga

Maaari nang lumapag ang mas malalaki at mabibigat na aircraft sa itinuturing na pinakamalaking Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA project sa Pampanga.

Ito’y makaraang isagawa ng Pilipinas at Estados Unidos ang dedication Ceremony sa Floridablanca, Pampanga matapos na makumpleto ang rehabilitasyon ng Basa Air Base Runway.

Pinangunahan ang seremonya nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr at US Deputy Chief of Mission to the Philippines Robert Ewing.

Present din sa aktibidad ang matataas na opisyal ng militar sa pangunguna ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, kabilang na ang mga kinatawan mula sa pamahalaan ng Estados Unidos, mga local government agencies, ibat ibang sangay ng AFP, project contractors, at mga stakeholders.

Ang runway rehabilitation ay pinondohan ng P1.3B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *