Malalaking corals nasabat sa Taytay Palawan.

Nasabat ng  mga awtoridad ang mga naglalakihang mga corals sa kanilang ginawang operasyon sa  Sunrise Resort, Cagdanao Island, Brgy. Casian, Taytay, Palawan katuwang ng Taytay SBU sa pangunguna ni PMSg Gerynn Lagrada sa pamununo ni PLTCOL ERVIN GLENN U PROVIDO, Commander 2nd SOU-MG, Taytay Municipal Agriculture Office, DENR Taytay, RMFB, Taytay MPS at Philippine Coast Guard Taytay Substation.

Ayon sa report ng PNP maritime, June 4 ganap na 11:58 ng tanghali ng kanilang salakayin ang Isla matapos na matanggap ang sumbong sa impormante.

Tumambad sa awtoridad ang tinatayang 30 cubic meters assorted corals at napag- alaman na pag –aari ito  nina Jennifer .  Nardone at Maomar Nardone na parehong pinaghahanap.

Samantala posible naman silang maharap sa kasong paglabag sa Section 96 ng  RA 10654 o Ban on Coral Exploitation and Exportation.

📷2nd Special Operation unit Maritime Group

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *