Malalaking event venues sa Albay suspendido na simula ngayong araw-PGA

LEGAZPI-Suspendido na epektibo ngayong araw ang anumang aktibidad na gagawin sa ilang mga malalaking event venues sa lalawigan ng Albay dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19.

Ito ay base sa binabang memorandum Order number 11 mula sa office of the Governor.


Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Danny Garcia, tagapagsalita ni Albay Governor Al Francis Bichara, nakalagay sa nasabing memorandum ang pansamantalang pagsasara muna ng mga malalaking event areas sa lalawigan tulad ng Albay Astrodome, PGA Meeting at training venues.

Ito umanoy mga lugar na madalas paggawan ng malalaking aktibidad na mayroong face-to-face interaction.
Samantalang nanawagan ngayon si Garcia sa mga nagpaplanong magpadala ng request letter na makagamit nang mga nasabing venue na huwag na itong ituloy at mas maigi naman na iwasan na muna ang mag organisa ng mga ganitong aktibidad para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Paglilinaw din nito na hindi kasama sa suspendido ang trabaho ng kanilang epleyado at mga sinasagawang committee hearing dahil inoobserba naman umano ang mga health protocols. Ilan din umano sa kanilang mga staff ay naka work from home para masunod ang minimum capacity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *