Malalaking kompanya sa Subic pinagsusumite ng masterlist ng MHO

SUBIC-Tinatawagan ngayon ng pansin ng Municipal Health Office ng Subic ang pamunuan ng malalaking kompanya sa bayan.

Ito ay para isumite ang master list ng mga empleyadong kabilang na sa A4 priority.

Hinihiling ng MHO ang kooperasyon ng mga kompanya para mas mabilis matapos sa pagbabakuna kapag may dumating ng vaccine.

Ipinapatupad kasi ang no registration, no vaccination policy para sa mga kabilang sa A4 para maiwasang malabag ang physical distancing dahil inaasahan ang posibleng pagdagsa ng tao kapag dumating na ang bakuna.

Ang proseso ay bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan dahil tinatapos pa rin ang mga kabilang naman sA A2 at A3.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Phot Courtesy: Municipal Health Office-Subic

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *